para sa lahat ng anak.....
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako atpagpasensiyahan.Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ngpinggano nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sanaakongkagagalitan.Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako satuwingsinisigawan mo ako.Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihanang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihanng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulatnalang.Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sanaakongtulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyonoong nag-aaral ka pa lamang lumakad.Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man aynagiging makulit at paulit-ulit na parang sirangplaka.Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akongPagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.Natatandaan mo anak noong bata ka pa?kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yongsasabihin,maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuhaang gustomo.Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoymatanda,amoy lupa.Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na angkatawan ko.Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sanaakongpandirihan.Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitanghabulinSa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,maiintindihanmo rin.Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,kahitsandali lang.Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walangkausap.Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kongmalaman mo nasabik na sabikNa akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi kainteresadosa mga kwento ko.Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihinang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddybear.At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakitat maratay sa banig ng karamdaman,huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi omadumi sahigaan,Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandaling akingbuhay.Tutal hindi na naman ako magtatagal.Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakanmo sanaang aking kamayAt bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin angkamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyosna lumikha,ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ....Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Tuesday, March 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment